Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsMost Wanted Investment Scammer sa Davao Del Sur, arestado sa Tacloban City

Most Wanted Investment Scammer sa Davao Del Sur, arestado sa Tacloban City

Tacloban City – Arestado ang isang lalaking Most Wanted Investment Scammer sa Davao Del Sur sa San Jose, Tacloban City nito lamang Lunes, Nobyembre 14, 2022.

Kinilala ang naaresto na si Edwin Fernandez alyas Garry Simbahon, 44 anyos na pansamantalang nakatira sa Barangay 84, Villa Rita Subdivision, San Jose, Tacloban City.

Nadakip ang suspek bandang 9:50 ng umaga sa isinagawang manhunt operation sa bisa ng Warrant of Arrest ng mga operatiba ng Tacloban City Police Office – City Drug Enforcement Unit at ng City Intelligence Unit.

Ang akusado ay matagal na umanong pinaghahanap ng mga awtoridad na konektado sa Investment Scam Syndicate matapos na maraming tao ang nabiktima nito at milyon milyon ang halaga ng pera ang nasabat partikular sa lungsod ng Digos sa Probinsya ng Davao del Sur.

Sa ngayon, ang suspek ay hawak ng Tacloban City Police Office para sa kaukulang disposisyon bago i-turnover sa court of origin nito.

Samantala, hinihikayat ng pulisya ang iba pang nabiktima ni alyas Garry Simbahon na lumutang upang masampahan ito ng mas mabigat na kaso at hindi na makabiktima pa ng iba

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe