Thursday, May 8, 2025

HomeNewsModernized Jeepney Driver, arestado sa Buy-bust Operation sa Iloilo

Modernized Jeepney Driver, arestado sa Buy-bust Operation sa Iloilo

Jaro, Iloilo – Arestado ang isang driver ng modernized jeepney matapos mahulihan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php168,000 sa isang buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 6 (PDEA-6) katuwang ang kapulisan nito lamang ika-5 ng Mayo, sa Zone 3, Barangay Ungka, Jaro Iloilo City.

Kinilala ang suspek na si alyas” Nel”, 47 taong gulang at residente ng Barangay Sinikway, Lapuz. 

Diumano ang suspek ay kabilang sa kanilang Regional Target List, dahilan upang isailalim siya sa surveillance at operasyon.

Nasamsam mula sa suspek ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu, kabilang ang marked item sa buy-bust transaction, at buy-bust money na nagkakahalaga ng Php14,000.

Mariing itinanggi ng arestado ang mga alegasyon, at sinabing hindi siya sangkot sa iligal na droga. Gayunpaman, kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA-6 ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga kapulisan upang matukoy kung may iba pang kasabwat ang suspek sa iligal na aktibidad.

Patuloy ang pagtutok ng PDEA at PNP sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga bilang bahagi ng kanilang layuning panatilihing ligtas at payapa ang mga komunidad.

Source: XFM Radyo Iloilo

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]