Saturday, May 3, 2025

HomeNewsMiyembro ng 4Ps, nakilahok sa Symposium Activity sa Bohol

Miyembro ng 4Ps, nakilahok sa Symposium Activity sa Bohol

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng 4Ps sa isinagawang Symposium Activity na ginanap sa Covered Court, Brgy. Bagacay, Talibon, Bohol noong ika-30 ng Abril 2025.

Ito ay sa pangunguna ng Talibon Police Station sa pamumuno Police Major Romar T Labasbas, Chief of Police, at sa pakikipag-ugnayan kay Ginoong Alcris C. Napuecas, CMAT Leader, sa pamamagitan ni Gng. Ellen M. Arquita-Magallanes, MSWDO ng Talibon. 

Ibinahagi ang mahalagang lecture ukol sa Online Sexual Abuse o Pagsasamantala sa mga Bata, Kampanya Laban sa Ilegal na Droga, Sitwasyon ng Droga sa Bohol, at Anti-Terorismo.

Sa pamamagitan ng impormasyong ito, mas lumawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa isyu ng ilegal na droga sa kanilang lugar. Hinihikayat rin ang lahat ng residente na makiisa at sumuporta sa mga kampanya ng PNP at iba pang ahensya laban sa droga.

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]