Northern Samar- Tinaga ng isang mister ang isang lalaki dahil sa pananantsing sa kanyang misis na naging sanhi ng kanyang pagkamatay sa Brgy. Cabarasan, Gamay, Northern Samar, nitong gabi ng Setyembre 26, 2023.
Sa ulat ng PNP, kinilala ang biktima na si Danilo Longcop, 38 anyos, binate, habang ang suspek ay si Julian Longcop, 50 taong gulang, nakatatandang kapatid ng biktima at parehong residente sa nasabing lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-6:30 ng gabi, nagkaroon ng mainitang pagtatalo kung saan ilang beses na tsinansingan ng biktima ang asawa ng suspek.
Kumuha naman ng patalim ang suspek at pinagtataga ang katawan ng biktima hanggang sa mamatay.
Sa ulat ng PNP, sinasabing may sakit sa pag-iisip at “pervert” ang biktima. Dagdag pa rito, maraming beses na rin siyang gumawa ng gulo sa kanyang barangay.
Naaresto ang suspek at nasa kustodiya na ngayon ng Gamay Municipal Police Station.