Sunday, October 6, 2024

HomeNewsMissing person sa Pototan Iloilo, pinatay at inilibing ng kanyang katagpo

Missing person sa Pototan Iloilo, pinatay at inilibing ng kanyang katagpo

Pinatay at inilibing ang isang LGBTQ member mula sa Pototan Iloilo ng kanyang katagpo sa Barangay Tinocu-an, Dingle, Iloilo.

Ayon sa inisyal na ulat, nawawala si Dave Ablanzar mula pa noong Mayo 11, 2023, kung saan nakita pa siya ng kanyang mga kaibigan sa CIC sa Plaza ng Pototan.

Ayon sa pahayag ng kanyang kaibigan, nagpaalam pa umano ang biktima upang makipagkita nang bigla na lang itong hindi nagparamdam simula noong, Mayo 14, 2023.

Nitong Mayo 15, sumuko sa kapulisan ang dalawang suspek na pawang mga menor de edad, at inaming inilibing nila ang biktima sa bahaging pinagtaniman ng tubo ng nasabing barangay, mga 500 metro ang layo mula sa kalsada.

Samantala, hindi naman pinangalanan ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit at nasa ilalim ng kustodiya ng Dingle Municipal Police Station

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe