Monday, November 18, 2024

HomeNewsMga survivor sa Bagyong Yolanda sa Iloilo, benepisyaryo ng pabahay ng pamahalaan

Mga survivor sa Bagyong Yolanda sa Iloilo, benepisyaryo ng pabahay ng pamahalaan

Pormal na tinanggap ng lokal na pamahalaan ng Ajuy sa lalawigan ng Iloilo ang 1,000 housing unit na Yolanda Permanent Housing Project sa Malayu-an People’s Village Site 2 sa Barangay Barredo nito lamang Lunes.

Ang naturang proyekto ay inilalaan para sa mga residenteng nakaligtas sa hagupit ng super typhoon Yolanda sa nasabing bayan.

Pinirmahan ng National Housing Authority (NHA) at ng lokal na pamahalaan ng Ajuy ang Deed of Donation and Acceptance (DODA) sa isinagawang virtual ceremonial signing.

Ayon naman kay Ajuy Mayor Jett Rojas, 80 porsyento sa nasabing pabahay ay okupado na ng mga benepisyaryo.

“Recipient families are already staying there. NHA has rules that should be complied with by homeowners. The unit is given to them at no cost so they are not allowed to sell it,” dagdag pa niya.

Samantala pinagbawalan naman ang mga benepisyaryo na magdagdag ng anumang istruktura na maaaring haharang sa mga posibleng daanan o magpadagdag ng palapag sapagkat nakadesenyo lamang ang bahay sa iisang palapag lamang.

Sinabi rin ng alkalde na patuloy pang benirepeka ng lokal na pamahalaan ang mga benepisyaryo na hindi pa nakatira sa kani-kanilang yunit kung sila ay interisado pa o hindi na at nang mailipat sa iba pang mga aplikante.

Dagdag pa niya na ang iba sa mga recipient ay nakatira pa sa malalayong mga barangay at isla, kaya nahihirapan din silang lumikas sa kani-kanilang yunit.

Ang Yolanda Housing Project sa bayan ng Ajuy ay may kabuuang 7,500 kabahayan na itinayo sa magkakaibang lugar.

Ang unang 6,000 yunit ay natapos noong 2016 habang ang karagdagang 1,500 ay sumunod na ipinatayo kasunod ng kahilingan ni Mayor Rojas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe