Tuesday, December 24, 2024

HomeNational NewsMga sundalong nasawi sa Himamaylan encounter, kinilala na

Mga sundalong nasawi sa Himamaylan encounter, kinilala na

Kinilala na ang dalawang nasawing mga sundalo sa naganap na encounter nitong Oktubre 6 hanggang Oktubre 8, 2022 sa Himamaylan City, Negros Occidental.

Ayon sa opisyal na salaysay ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, Philippine Army, ang mga nasawi ay sina Corporal Christian P Drilon, residente ng San Enrique, Iloilo, at si Corporal Rex G Verde, mula naman sa Guimaras.

Ang dalawang sundalo ay kabilang sa mga tauhan ng 94th Infantry Battalion na nakasagupa ng mga miyembro ng rebeldeng NPA sa Barangay Carabalan, Himamaylan City, Negros Occidental, kung saan sugatan naman ang anim pa nitong mga kasamahan.

Samantala, binigyan naman ng parangal ang mga sugatang sundalo sa pangunguna ni Department of National Defense Secretary Undersecretary Jose Faustino Jr., kung saan personal nitong ibinigay ang Medalya ng Sugatang Tauhan, sa isang simpleng seremonya sa isang ospital sa Bacolod City nitong Linggo, Oktubre 9, 2022.

Nagpaabot naman ang mga awtoridad ng buong pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi habang tinuligsa naman nito ang CPP-NPA sa patuloy na panggugulo nila sa tahimik na komunidad.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe