San Jose de Buenavista, Antique – Kasalukuyang sumailalim sa 25-day TESDA livelihood training ang nasa 25 na persons deprived of liberty (PDLs) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa lalawigan ng Antique.
Matatandaang nagsimula ang nasabing pagsasanay noong Disyembre 9, 2023 at inaasahang magtatapos nitong Pebrero 1, 2023.
Ayon kay Karyn Duay, pinuno ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Antique Provincial Training Center, ang nasabing mga preso ay kabilang sa special sector na sumailalim sa pagsasanay sa electrical installation and maintenance (EIM) National Certificate II.
“The skills training is being conducted so that the PDLs, upon their release from the BJMP, could find also a source of living as barangay electricians,” dagdag pa ni Duay.
Bilang bahagi sa pagsasanay, dumalo rin ang mga inmate sa isinagawang entrepreneurial lecture upang maturuan pa sila ng iba’t ibang marketing skills sakaling sila ay tuluyan ng makalabas sa piitan.
Ayon pa ni Duay ang pondo ng nasabing TESDA training ay bahagi sa Special Training for Employment Program (STEP) scholarship para sa mga PDLs na inisyatibo ni Antique Representative Antonio Agapito Legarda.