Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesMga pangunahing serbisyo, itinuturing na solusyon upang pigilan ang pagbabalik ng mga...

Mga pangunahing serbisyo, itinuturing na solusyon upang pigilan ang pagbabalik ng mga NPA sa Samar

Ang patuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa malalayong komunidad ng Calbayog City sa Samar ay nakikita bilang isang mabisang solusyon upang pigilan ang New People’s Army (NPA) na maibalik ang dating impluwensya nito sa mga barangay.

Ito ay ayon kay 1st Lt. Benigno Lopez, tagapagsalita ng 43rd Infantry Battalion ng Army, matapos ang pagsasagawa ng mga service caravan sa mga upland village ng Barangay Dawo at Bayo, kung saan ang iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno ay nagsagawa ng mga aktibidad upang tugunan ang mga isyung pinagsasamantalahan ng mga rebeldeng grupo.

“Ang dalawang baryo ay idineklara na bilang insurgence clear ngunit may mga iilang hakbang pa rin ang NPA upang makabawi. Ngunit ang mga residente na mismo ang siyang nag-uulat sa mga awtoridad tungkol sa pagkakaroon uli ng mga armadong lalaki sa lugar. This prompted us to conduct service caravans,” pahayag ni Lopez sa isang interview nito lamang Huwebes, Agosto 4, 2022.

Humigit-kumulang 500 na mga tagabaryo ang nabigyan ng mga pangunahing serbisyo mula sa pamahalaang lungsod ng Calbayog City nitong Agosto 1-2, 2022.

Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay ang libreng pagpapagupit, tulong pinansyal, libreng serbisyong medikal at dental, agricultural services, civil registration, Information drive on land ownership, pagsasanay sa basic life support at first aid.

“Ang aming Retooled Community Support Program Team ay regular na bibisita sa mga komunidad na ito upang matiyak na ang mga isyu ay maayos na natutugunan ng pamahalaan. Pipigilan ng programang ito ang NPA na bumalik sa mga komunidad,” dagdag pa ni Lopez.

Dumalo sa caravan ang mga pangunahing opisyal at tauhan ng City Social Welfare and Development Office, City Health Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Agriculture Office, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Philippine Army.

Ang Dawo at Bayo ay malapit sa boundary ng Lope de Vega, Northern Samar kung saan madalas na nakikita ang mga natitirang armadong miyembro ng NPA.

Sinabi rin ni Lopez na tinatayang nasa 13 aktibong rebelde nalang na NPA ang nagiikot sa boundary ng Lope de Vega at Calbayog City. Habang hindi naman bababa sa 10 miyembro ng platoon ang sumuko sa militar noong Hulyo 20.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe