Thursday, December 26, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesMga paaralan sa Southern Leyte na tinamaan ng bagyo, magdaraos ng klase...

Mga paaralan sa Southern Leyte na tinamaan ng bagyo, magdaraos ng klase sa mga tolda

Ilang estudyante sa Southern Leyte ay dadalo sa mga klase sa mga tolda habang hinihintay ang pagkumpleto ng pagkukumpuni at muling pagtatayo ng mga silid-aralan na nasira ng bagyo, ayon sa ulat ng Department of Education (DepEd) nitong Martes, Agosto 16, 2022.

Sa 3,596 na silid-aralan na kailangang ayusin sa Southern Leyte at ilang bahagi ng Leyte na winasak ng Bagyong Odette noong Disyembre, 367 na silid lamang ang may pondo para sa taong ito at ang natitira ay aayusin sa taong 2023.

Para sa 182 nasirang silid-aralan, 16 na silid lamang ang may magagamit na pondo para sa muling pagtatayo sa taong ito at 166 na silid ay nangangailangan pa rin ng pondo sa susunod na mga taon.

Sa pagbisita ng ating Education Secretary na si Vice President Sara Duterte noong nakaraang lingo, siya ay nangako na tra-trabahuin niya ang prioritization ng mga nasirang silid-aralan.

Ayon naman kay DepEd Eastern Visayas Regional Director Evelyn Fetalvero hinihingan sila ng ulat ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, tungkol sa mga pangangailangan para maisama sa susunod na budget.

“Kahit na may limitadong mapagkukunan, dapat nating tiyakin na magpapatuloy ang kalidad ng pag-aaral,” dagdag pa niya.

“Dahil hindi makumpleto ng mga contractors ang mga pagkukumpuni, ang mga paaralan ay kailangang gumamit ng shifting classes o magtayo ng mga pansamantalang silid paaralan”, ayon naman kay DepEd Southern Leyte Division Superintendent Genis Murallos.

“Mga 67 porsiyento ng mga paaralan ay magbubukas ng full face-to-face classes. Ang natitira ay maging limitado, pero sisiguraduhin natin na ang mga estudyante mula Kindergarten hanggang Grade 3 ay magkakaroon ng face-to-face classes,” dagdag ni Murallos.

Nitong Martes ng tanghali, may 69,086 na mag-aaral sa Southern Leyte ang nakapag-enroll na para sa bagong school year.

Sa Maasin City, Southern Leyte, sinabi ng Schools Division Superintendent na si Josilyn Solana na nakipagtulungan sila sa mga non-government organization upang magtayo ng mga pansamantalang silid-aralan para sa mga campus na sobrang napinsala dulot ng bagyo.

Sa Baybay City, Leyte kung saan binaon ng malalaking landslide ang buong baryo, kabilang ang paaralan nito, ang mga mag-aaral ng Cantagnos village ay sasaluhin ng isang paaralan sa kalapit na barangay, ani Division Superintendent Carmelino Bernadas.

Sinabi ni Bernadas na isang bagong kampus ang itatayo sa isang ligtas na lokasyon dahil ang Cantagnos village ay idineklarang isang danger zone.

Sa ulat ng DepEd Regional Office 8, sa pagbubukas ng mga klase sa 4,182 na paaralan sa Eastern Visayas kung saan 75 porsiyento ng mga batang mag-aaral ay naka-sign up na para sa bagong school year simula Agosto 16.

Sa 1,301,782 na mag-aaral sa Kindergarten hanggang Grade 12 na naka-enrol sa nakaraang school year, 979,465 sa kanila, o 75 porsiyento ang na-enrol mula Hulyo 25 hanggang Agosto 16.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe