Saturday, November 23, 2024

HomeNewsMga opisyal ng lalawigan ng Samar, personal na nagpasalamat kay Sen. Gatchalian...

Mga opisyal ng lalawigan ng Samar, personal na nagpasalamat kay Sen. Gatchalian sa mga programa at proyektong naitulong sa Samar

Masayang ibinahagi ni Samar Governor Sharee Ann Tan kahapon, Hunyo 1, 2023 ang kanilang pakikipagpulong kamakailan sa tanggapan ni Senador Win Gatchalian sa Senado.

Kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Samar First District Rep. Stephen James “Jimboy” Tan ay personal nilang nakadaupang palad ang Senador upang personal na magpasalamat sa pondong inilaan nito para sa proyekto at programa sa lalawigan.

Pahayag ng Gobernador, labis ang kaniyang galak matapos na pondohan ng Senador ang konstruksyon ng bagong campus ng Eastern Visayas Regional Science High School na sinisimulan nang itayo sa dating Boy Scouts Bldg sa Lungsod ng Catbalogan.

Aniya, kasama rin sa mga napag-usapan sa naturang pagpupulong ay kung paano rin matutulungan ang mga coconut farmers sa buong lalawigan.

Paglalahad pa ng Gobernador na nagpalabas ng Executive Order No. 13-2022, Series of 2022 ang pamahalaang panlalawigan nitong Agusto nang nakaraang taon upang i-institutionalize at palakasin ang Provincial Coconut Industry Development Council na layong ipromote ang industriya ng pagniniyog sa lalawigan at upang palakasin ang sektor ng mga coconut farmers sa paglikha ng mahusay na desisyon kung paano tutulungan maibangon at mas lalong mapalakas pa ang produksyon ng niyog sa lalawigan ng Samar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe