Saturday, November 23, 2024

HomeRebel NewsMga NPA, inatake ang mga sundalo at sibilyan sa Las Navas, Northern...

Mga NPA, inatake ang mga sundalo at sibilyan sa Las Navas, Northern Samar

Northern Samar – Pinaputukan ng mga NPA Terrorist ang mga sundalong kabilang sa 19th Infantry Battalion habang sila ay nakikilahok sa gardening sa isang Farmer Association ng Barangay Osmeña, Las Navas, Northern Samar bandang 06:00 ng umaga nitong Agosto 20, 2022.

Para masiguro ang kaligtasan ng mga sibilyan, agad na nag-reposition ang CSP Team sa labas ng mataong lugar para gumanti ng putok dahilan upang magsitakbuhan ang mga terorista sa kagubatan ng nasabing barangay.

Layunin ng Community Support Program (CSP) na suportahan ang Municipal Task Force-ELCAC ng Las Navas sa pagpapadali sa pagresolba sa mga isyung pinagsamantalahan ng Communist Terrorist Groups (CTGs) para manggulo laban sa gobyerno gayundin ang paghatid ng mga pangunahing serbisyo para sa pag-unlad ng barangay at tugunan ang ugat ng insurhensya.

Ayon kay Lieutenant Colonel Fernando C Engcot, Commanding Officer ng 19IB, walang natamaan na sibilyan dahil sadyang umiwas ang mga tropa sa mga matataong lugar sa panahon ng putukan.

Bandang 09:30 ng umaga, Agosto 20, 2022, sinabi ni BTF-ELCAC Chairman Hon. Elna Turcido, pinasimulan niya ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng barangay ng nabanggit na barangay hinggil sa mga pangyayaring naganap sa ilalim ng kanyang nasasakupan at magsagawa ng Condemnation Rally kasama ang mga mamamayan laban sa hindi makatao at traydor na pagkilos ng CPP-NPA-NDF.

Ayon sa mga dating rebelde, ang responsableng teroristang grupo ay miyembro ng Squad 2, Front Committee 1 “Metro 1” ng Sub-Regional Committee “Emporium” ng Eastern Visayas Regional Party Committee sa ilalim ni Mon Mon Diaz alyas BELOY, Squad Leader.

Ganundin, gusto rin nilang mabawi ang suporta ng mga tao kaya naman inaatake nila ang mga sundalo para maghasik ng takot sa mga residente.

Samantala, mariing kinondena ni Colonel Perfecto P Peñaredondo MNSA PA, 803rd Brigade Commander, ang kalupitan ng nasabing mga terorista, partikular sa mga inosenteng sibilyan, nangako rin siya na ang kasundaluhan katuwang ang LGU at sa pamamagitan ng Legal Cooperation Cluster ay sisikaping magsampa ng kaukulang kaso partikular na sa paglabag sa International Humanitarian Law sa sandaling makumpleto ang pag-iimbestiga.

Matatandaan na ang Local Government Unit ng mga munisipyo ay aktibong kasangkot sa pagsasagawa ng Community Support Program sa paglilinis ng mga barangay mula sa impluwensya ng mga teroristang NPA.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe