Saturday, November 23, 2024

HomeNewsMga nakaligtas sa Degamo Massacre, sumasailalim sa therapy, tumanggap ng tulong

Mga nakaligtas sa Degamo Massacre, sumasailalim sa therapy, tumanggap ng tulong

Sumailalim sa stress debriefing o psychological processing ang mga saksi sa pamamaril kay Negros Oriental governor Roel Degamo na napatay kasama ang walong iba pa noong Marso 4, 2023 sa kanyang residential compound sa bayan ng Pamplona.

Napag-alaman ng mga awtoridad na karamihan sa kanila ay mga benepisyaryo ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) na hanggang ngayon ay na-trauma pa rin sa insidente na ikinasugat din ng 17 iba pa.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Negros Oriental, sa tulong ng tanggapan ni Sen. Imee Marcos, Philippine Mental Health Association at Pamplona Municipal Government, ay nagpadala ng mga psychological counselor upang magbigay ng emosyonal at sikolohikal na suporta sa mga nakaligtas.

Ang ilang mga nakaligtas ay isa-isa at grupong pinayuhan sa isa sa mga gym sa bayan.

Pahayag naman ni Jessie Dela Peña, isa sa mga tauhan ni Senador Marcos sa Central Visayas, na magbibigay ng tulong pinansyal ang mambabatas sa mga pamilya ng mga namatay, mga nasugatan at iba pang nakaligtas sa naturang insidente.

Ang asawa ng napatay na gobernador na si Pamplona Mayor Janice Vallega Degamo, ay nagpasalamat sa mga tagasuporta ng pambansang pamahalaan na nagpaabot ng tulong sa mga nakaligtas.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe