Monday, December 16, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesMga Mangingisda sa Eastern Visayas, nakatanggap ng Fuel Discount Cards

Mga Mangingisda sa Eastern Visayas, nakatanggap ng Fuel Discount Cards

Nakatanggap ang mga mangingisda mula sa mga munisipalidad ng Abuyog, Javier, MacArthur, Mayorga, Tanauan at Palo sa Lalawigan ng Leyte ng Fuel Discount Cards na galing sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 8 sa unang araw ng Regionwide Fuel Subsidy Caravan nitong Martes, Hulyo 5, 2022.

May kabuuang 255 na rehistrado at kwalipikadong benepisyaryo mula sa mga nabanggit na munisipalidad ng Leyte ang nabigyan ng Fuel Discount Cards na may kargang Php3,000 halaga ng fuel assistance mula sa BFAR 8 sa pamamagitan ng Universal Storefront Services Corporation (USSC) at mga accredited na gasoline station.

Ang nasabing programa ay naglalayong masolusyonan ang epekto ng patuloy na hamon sa ekonomiya na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina na nakakaapekto sa mga mangingisda at nakakagambala sa takbo ng presyo ng mga piling palaisdaan. Gayundin, inaasahan nitong i-maximize ang paggamit ng mga makinarya at pasilidad ng agri-fishery at palakasin ang katatagan ng mga benepisyaryo ng mangingisda.

Sa Eastern Visayas ay may 5,898 fisherfolk beneficiaries ang nakatakdang tumanggap ng fuel discount cards sa loob ng taong ito habang ang BFAR 8 ay nagpapatuloy sa kanilang regionwide caravan para maabot ang karamihan lalo na ang mga nakatira sa malalayong rural na lugar.

Ang mga piling benepisyaryo sa mga naunang nabanggit na Municipal Agriculture’s Office ang siyang pumasa sa mga pangunahing kwalipikasyon na itinakda ng Department of Agriculture. Ang mga tatanggap ay dapat nakarehistro sa ilalim ng Fisherfolk Registration System (FishR) o Municipal Fishing Vessels and Gears Registration System (BoatR), nagmamay-ari o nagpapatakbo ng motor bancas ng tatlong gross tons o mas mababa at gumagamit ng mga legal na kagamitan sa pangingisda na nakarehistro sa FishR.

Ang Fuel Subsidy Caravan for Fisherfolks sa Eastern Visayas ay bibisita sa natitirang 16 coastal municipalities sa Leyte sa loob ng linggong ito sa ilalim ng Tranche 1 ng pamamahagi ng tulong sa rehiyon. Habang ang mga caravan na isasagawa sa iba pang mga lalawigan sa rehiyon ay aayusin at tutukuyin pa ng magkatuwang na Local Government Units (LGUs) at Provincial Fishery Offices (PFOs).

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe