Tuesday, December 24, 2024

HomeRebel NewsMga mahahalagang dokumento at mga armas, nasamsam sa bakbakan ng Militar vs...

Mga mahahalagang dokumento at mga armas, nasamsam sa bakbakan ng Militar vs NPA sa Northern Samar

Nakasagupa ng tropa ng militar mula sa 43rd Infantry “We Search” Battalion (43IB) ang nasa siyam na mga miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) na mga pinaniniwalaang kasapi ng Sub-Regional Committee (SRC) Emporium, Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC) sa kabundukan ng Barangay E. Duran, Bobon, Northern Samar pasado alas 2:00 ng hapon nitong Miyerkules, Marso 29, 2023.

Batay sa impormasyong inilahad ng 43rd Infantry Battalion ay rumisponde lamang ang tropa batay sa sumbong ng mga residente sa lugar dahil sa umano’y pangingikil ng nasabing grupo ng mga suplay at mga pagkain sa nasabing lugar.

Tumagal ng halos sampong minuto ang palitan ng putok mula sa magkabilang panig na nagresulta ng pagtakas umano ng mga rebelde sa iba’t-ibang direksyon.

Narekober ng militar sa lugar ang 5.56mm M653 Rifle at mga bala, dalawang anti-personnel mines, hand grenade, cellphone, solar panel at mga backpacks na naglalaman ng mga umano’y subersibong mga dokumento at mga personal na kagamitan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe