Calbiga, Samar – Tatlumpu’t tatlong miyembro ng magsasaka ng Calbiga Vegetable Growers Association (CVGA) ang natuto sa mahusay, modernong pamamaraan ng pagsasaka at marketing techniques para sa mapahusay at mapataas ang kanilang produksyon at kita.
Ito ay matapos silang magtapos sa Farm Business School (FBS) na pinondohan ng Department of Agrarian Reform (DAR).
Sinabi ni Thelma Alfaro, Program Beneficiaries Development chief ng DAR-Samar, na layunin ng FBS na bumuo ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang maging mga agricultural entrepreneur sa pamamagitan ng pagtanim sa kanilang isipan na ang pagsasaka ay isang negosyo.
“Training farmers to become experts in scientific farming and transforming them into entrepreneurs are among the major objectives of Secretary Conrado Estrella III. All ARBs are encouraged to join this training for them to produce more from their awarded lands and ultimately manage their agri-business enterprise like a pro”, sabi ni Alfaro sa isang pahayag nitong Sabado, Nobyembre 12, 2022.
“The training re-framed the farmers’ production-focused practices towards more entrepreneurial and market-oriented farming operations. They will now definitely earn more income from these learnings,” sabi ni Alfaro.
Nakumpleto ng mga magsasaka-miyembro ng CVGA ang 25 sesyon ng pag-aaral sa loob ng pitong buwan.
Ang hands-on na pagtuturo ay isinagawa sa basic farm recording, bookkeeping, at accounting, gayundin ang mga bagong pamamaraan sa pagsasaka, simula sa paghahanda ng lupa at pagtatanim hanggang sa pag-aani at marketing.
Si Ricky Antony Cardeno, isa sa mga nagtapos sa Barangay Macaalan, ay nagpasalamat sa DAR sa pagkakataong matutunan ang iba’t ibang aspeto ng marketing ng kanilang mga produkto.
Para sa kanyang aktibong pakikilahok, dedikasyon sa kanyang trabaho, at kakayahang magbigay ng mga solusyon kapag may mga problema, iginawad kaya Cardeno ang Mountain Mover Award noong graduation rites.