Thursday, November 7, 2024

HomeViralMga lider ng Negros Occidental, nakiisa sa panawagan ng hustisya sa pagpaslang...

Mga lider ng Negros Occidental, nakiisa sa panawagan ng hustisya sa pagpaslang kay Degamo

Nakiisa ang mga matataas na lider sa malawakang panawagan ng hustisya sa walang awang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at iba pang mga inosenteng indibidwal sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental nito lamang Sabado.

Sa magkahiwalay na pahayag, mariing kinondena ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson at Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez ang pamamaslang sa nasabing government official.

Ayon kay Governor Lacson, mariin niyang kinukundena ang pagpaslang kay Governor at sa iba pang mga nasawi na nais lamang makakuha ng assistance. Kailangan anya na matuldukan ang ganitong uri ng mga krimen at hangad niya na manaig ang hustisya para sa mga biktima.”

Matatandaang nito lamang nakaraang buwan nagkasama si Lacson at Degamo para sa planong pagbabalik muli ng Negros Island Region.

Habang nagpaabot naman ng mensahe si Bacolod City Mayor Albee Benitez na tinawag pa ang naturang pagpaslang na “unacceptable at deplorable heinous crime.”

Anya, isa siya sa mga nananawagan ng agarang hustisya, at dapat managot ang mga may sala sa nasabing karumal-dumal na krimen.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe