Thursday, November 7, 2024

HomeNewsMga kalsada sa Downtown Cebu City, mananatiling sarado sa araw ng Sinulog

Mga kalsada sa Downtown Cebu City, mananatiling sarado sa araw ng Sinulog

Isasara pa rin ang mga kalsada sa downtown Cebu City sa Sinulog Festival sa Linggo, Enero 15, 2023.

Sa panayam kay Cebu City Transportation Office (CCTO) head Raquel Arce nito lamang Linggo, Enero 8, sinabi nito na inaasahan pa rin nilang dadagsa ang mga nagsasaya sa iba pang lugar sa lungsod sa Araw ng Sinulog sa kabila ng South Road Properties (SRP) ang venue ng festival.

Isasara para sa vehicular traffic ang Osmeña Blvd., mula sa Fuente Osmeña Circle papunta sa Basilica Minore del Santo Niño.

“We still expect a number of people, especially in going to Basilica,” saad ni Arce.

Pero bukas pa rin para sa mga motorista ang mga pangunahing intersection sa Colon St. at P. del Rosario St.

Sinabi ni Arce na magsisimula ang pagsasara ng kalsada alas-6 ng umaga ng Enero 15 at muling bubuksan ng madaling-araw ng Enero 16.

Dagdag pa nito na hindi kaagad bubuksan ang mga kalsada dahil inaasahan din ng CCTO na ang mga manonood ng grand parade sa SRP ay lilipat sa downtown area kapag natapos na ang street dancing at grand showdown.

Sinabi ni Arce na naglagay na ng traffic advisories hanggang sa Carcar City at Danao City upang bigyan ng babala ang mga motorista sa pagsasara at pag-rerouting ng kalsada.

Isasara ang SRP para sa mga sasakyan simula alas-5 ng umaga ng Enero 15, ngunit may mga daanan para sa mga taong gustong masaksihan ang pagdiriwang.

Magbubukas pa rin ang Cebu-Cordova Link Expressway dahil madadaanan pa rin ang isang lane ng F. Vestil Road tuwing Sinulog, ani Arce.

Samantala, ang mga public utility vehicles na nagmumula sa Plaza Independencia ay maaari lamang magbaba ng kanilang mga pasahero sa F. Vestil Road.

Sinabi ni Arce na para sa mga commuters na manggagaling sa timog, isang pansamantalang terminal ang ilalagay sa tabi ng Il Corso Mall.

Nagpatupad na rin ng “no day off policy” ang CCTO sa mga tauhan nito simula noong Enero 5 upang matiyak na magkakaroon ng sapat na lakas-tao sa buong panahon ng Fiesta Señor at Sinulog Festival.

Nasa 100 tauhan ng CCTO ang ipapakalat sa SRP, habang 150 pang traffic enforcers ang ilalagay sa mga pangunahing kalsada sa labas ng venue ng Sinulog.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe