Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsMga hindi rehistradong baril, kusang isinuko sa mga awtoridad sa Cebu

Mga hindi rehistradong baril, kusang isinuko sa mga awtoridad sa Cebu

Walang alinlangang isinuko ng dalawang indibidwal sa mga awtoridad sa probinsya ng Cebu ang kanilang mga hindi rehistradong baril matapos bumisita ang mga kawani ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa Brgy. Bog-o, Asturias, Cebu noong ika-9 ng Agosto 2022.

Ang nasabing pagsuko ay bunga ng walang humpay na pagpapatupad ng mga awtoridad ng kanilang mga aktibidad kagaya ng barangay visitation, symposium para sa mga usaping anti-terrorism, anti-criminality, at campaign against loose firearms.

Sa ibinahagi ng RMFB 7 sa kanilang social media account, kabilang sa mga isinuko sa mga awtoridad ang tatlong (3) piraso ng 38 revolvers at isang (1) piraso na shotgun (sumpak).

Minabuti naman na hindi na ipinaalam ang pagkakakilanlan ng mga nagsuko para sa kanilang kapakanan.

Siniguro naman ng kapulisan ng naturang rehiyon na hindi sila titigil sa pagpapatupad ng batas upang maiwasan at mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad sa komunidad at nang matiyak ang kaligatasan ng publiko.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe