Nakatanggap ng financial assistance ang mga former rebel at iba pang mga residente na lubos na naapektuhan ng nakaraang mga engkwentro sa lalawigan ng Negros Occidental mula sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon sa ulat, sampung former rebel mula sa Kabankalan City ang nabigyan ng Php10,500 financial assistance, mga hygiene kits at relief supplies sa Barangay Camingawan ng nasabing lungsod.
Ayon kay Mayor Benjie Miranda, malaki ang kaniyang tiwala na sa pamamagitan ng naturang assistance marami pa silang matulungang mga kababayang nagbabalak ng magbalik loob at magpapasailalim muli sa pamahalaan.
Anya: “We welcome our former rebels back into the fold and we are committed to providing them with the necessary assistance as they reintegrate into our society”.
Habang sa lungsod naman ng Escalante City, nakatanggap naman ng survival kits ang 92 pamilya ng Barangay Paitan na naging apektado rin sa engkwentro kamakailan lamang.
Samantala nito lamang Abril 28, nasa kabuuang 38 pamilya mula sa Barangay Binaguiohan at 57 pamilya naman mula sa Barangay Libertad ang nabigyan ng food packs, hygiene at sleeping kits.