Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsMga Former NPA rebel sa NegOcc, nakatanggap ng Php280K halaga ng livelihood...

Mga Former NPA rebel sa NegOcc, nakatanggap ng Php280K halaga ng livelihood grant

Nakatanggap ng nasa Php280K na halaga ng livelihood grant ang 14 dating rebelde na kasapi ng New People’s Army sa Negros Occidental mula sa Department of Social Welfare and Development bilang bahagi ng government assistance para sa kanila nitong Disyembre 19, 2022.

Ayon sa mga awtoridad, lima sa mga former rebel ang sumuko sa 79th Infantry Battalion ng Philippine Army habang pito naman ang sumuko sa 62nd IB at dalawa sa Philippine National Police Special Action Force.

Ang naturang mga former rebel ay mga combatant member at mga miyembro ng yunit militia. Sila ay mula sa mga lungsod ng Sagay, Escalante at sa bayan ng Isabela.

Makakatanggap sila ng tig-Php20,000 kada-isa. Habang food packs naman ang kanilang natanggap mula sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Ang nasabing financial assistance ay personal na itinurn-over ni Governor Eugenio Jose Lacson sa isinagawang seremonya na ginanap sa Provincial Capitol.

Ang natanggap ng mga benepisyaryo ay bahagi sa programa ng DSWD na Sustainable Livelihood Program at Livelihood Settlement Grant sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.

Layunin ng naturang tulong-pinansyal na matulungan ang pamilya ng mga dating rebelde upang makapagsimula ng kabuhayan at magkaroon ng kapital upang kanilang pagkakakitaan para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe