Wednesday, January 15, 2025

HomeLifestyleTravelMga destinasyon sa Calbayog City, inihahanda para sa 'Spark Samar' drive

Mga destinasyon sa Calbayog City, inihahanda para sa ‘Spark Samar’ drive

Inihahanda na ng Calbayog City sa Samar ang mga tourist destinations nito para sa “Spark Samar” tourism campaign, ayon sa alkalde ng lungsod nitong Biyernes, Agosto 19, 2022.

Ayon kay Mayor Raymund Uy, ang lungsod ay may operational airport na para sa mga pasaherong patungo sa Cebu at Manila at isang seaport na may regular na biyahe patungong Cebu na nagbibigay daan para sa mas madaling pag-access sa mga tourist destination.

“Nakikita natin ang turismo bilang bahagi ng pag-unlad ng ekonomiya. Kailangan lang nating pagandahin pa ang ating mga tourism sites. Bilang bahagi ng aming mga inisyal na aktibidad, hiniling namin sa Kagawaran ng Turismo na tulungan kaming makabuo ng mga tour packages,” sabi ni Uy.

Kabilang sa mga tourist-ready destinations nito ay ang Tarangaban Falls, Malajog Beach, Ridge Nature Park and Zipline, at Samar Archaeological Museum.

Taong 2015 pa nang inilunsad ang tourist campaign na “Spark Samar” na naglalayong ma-discover ang kagandahan ng lalawigan at mapalitan ang negatibong imahe ng pagiging madaling daanan ng kalamidad.

Pinuri ni Department of Tourism Eastern Visayas Regional Director Karina Rosa Tiopes ang pamahalaang lungsod sa pagsasaalang-alang sa turismo bilang isang inclusive growth driver.

Ang Calbayog, ang ika-6 na pinakamalaking lungsod sa Pilipinas, kilala din bilang gateway sa lalawigan ng Samar at siya ring kabisera ng lalawigan.

Tinagurian ding “City of Waterfalls” ang Calbayog dahil sa kabuuang 22 waterfalls nito na na-validate ng local tourism office.

Mula sa Maynila at Cebu, may mga flight na diretso sa lungsod. Mayroon ding mga bus na bumibiyahe papuntang Calbayog mula Maynila para sa isang buong araw na biyahe.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe