Ang Basilica Minore del Santo Niño ay inaasahang magho-host ng malaking bilang ng mga lokal at dayuhang panauhin para sa siyam na araw na misa ng nobena at iba pang mga kaganapan sa nalalapit na Sto. Niño sa Enero 21, 2024.
Magsisimula na ang siyam na araw na misa ng nobena sa Enero 11.
Dahil dito, pinaigting ng Cebu City Police Office ang kanilang pangangasiwa sa simbahan at binalaan ang mga deboto na huwag magdala ng travel bags o backpacks dahil sa paggawa nito ay mas magtatagal ang mga guwardiya na suriin ang kanilang mga gamit at hahaba ang pila ng mga taong naghihintay na makapasok.
Sinabi ni Police Lieutenant Colonel Janette Rafter, Deputy City Director for Operations ng CCPO, na ipagbabawal nila ang pagpasok ng malalaking bag sa loob ng basilica.
“Bukod sa pagsusuot ng angkop na damit, ang pinaka-pinagbabawal sa lokasyon ay ang pagdadala ng malalaking bagahe tulad ng mga backpack at travelling bag” saad ni PLtCol Rafter.
Sa halip, pinayuhan niya ang mga bisita mula sa ibang lugar na iwanan ang kanilang mga gamit sa hotel.
Ayon sa mga awtoridad, ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng mga lobo sa mga lansangan sa panahon ng solemne prusisyon para maiwasang mabuhol sa linya ng kuryente at posibleng magdulot ng brownout.