Tuesday, December 24, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsMga Dating Rebelde, nakatanggap ng Php930K Monetary Assistance

Mga Dating Rebelde, nakatanggap ng Php930K Monetary Assistance

Palo, Leyte – Pinangunahan ng Police Regional Office 8 ang pamamahagi ng monetary assistance sa mga dating rebelde (FRs) sa isang seremonya na ginanap sa PRO 8 Multi-Purpose Hall nitong Marso 22, 2023.

Kabuuang Php930,00.00 monetary assistance mula sa Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng Office of Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang ibinigay sa dating mga rebelde sa rehiyon.

Sa Php930,000.00 monetary assistance, Php10,000 cash ang ibinigay sa mga FR na may nai-turn-over na baril habang Php5,000.00 sa mga walang baril.

Isa sa mga dating rebelde mula sa Catbalogan City ang nagbigay ng kanyang testimonya tungkol sa hirap na kanilang naranasan sa loob ng kilusan. Na-recruit siya noon ng Kabataan Partylist noong 2016 at kalaunan ay dinala sa kanilang kampo. Hindi na sila pinayagang umuwi at kinumpiska ang kanilang mga cellphone.

Ang distribution rite ay pinangunahan ng Office of Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na kinatawan ni Ms. Macky dela Rosa-Estoesta, Chief of Staff; Ms. Precious Benigay, Visayas Head; at Ms. Mercy L. Yang, Liaison Officer, kasama ang DSWD Representative na si G. Christian L. Oberez na tinulungan ni PCol Owen S Andarino, Acting Deputy Regional Director for Administration, at PCol Reydante E Ariza, Chief, Regional Intelligence Division.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ms. Estoesta na ang pagbibigay ng cash assistance ay bahagi ng kanilang social services ng Office of Sen. Ronald Dela Rosa bilang tulong ng Department of Social Welfare and Development.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe