Wednesday, December 25, 2024

HomeNewsMga biktima ng bagyo sa S.Leyte, nakatanggap ng bagong pares ng sapatos

Mga biktima ng bagyo sa S.Leyte, nakatanggap ng bagong pares ng sapatos

Tacloban City – Nagdonate ng 800 pares ng sapatos ang SM Foundation Inc. ayon sa Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga kapus-palad nating kababayan na labis na naapektuhan ng Bagyong Odette sa apat na bayan sa Southern Leyte nito lamang Lunes, Mayo 16, 2022.

Pinangasiwaan ng DSWD Regional Office 8 ang pamamahagi ng sapatos sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa mga bayan ng San Juan, St. Bernard, Anahawan, at Libagon, Southern Leyte.

Pahayag ng DSWD, “ang DSWD Eastern Visayas ay magbibigay ng 2,901 pares ng sapatos sa mga naapektuhan ng bagyo na kabilang sa 4Ps na pamilya sa ibang bayan sa Southern Leyte sa mga susunod na araw. Nakipagtulungan kami sa SM Foundation na may kakayahang makapagbigay ng disenteng pares ng sapatos sa mga taong higit na nangangailangan nito”.

Ang “Operation Tulong Express” ng SM Foundation ay isang disaster response initiative ng SM Group na naglalayong tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad at krisis.

Nauna nang sinabi ng Foundation na target nitong mag-donate ng 60,000 pares ng sapatos para sa mga lugar na apektado ng bagyong “Odette”. Nakipagtulungan ang SM sa DSWD para maisakatuparan ang pamamahagi.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe