Wednesday, December 25, 2024

HomePoliticsSectoral NewsMga Barangay Tanod sumailalim sa kakaibang pagsasanay sa Pandan, Antique

Mga Barangay Tanod sumailalim sa kakaibang pagsasanay sa Pandan, Antique

Pandan, Antique- Sumailalim sa kakaibang pagsasanay ang mga Barangay Tanod sa bayan ng Pandan sa Antique nitong ika-13 ng Agosto 2022.

Ang nasabing pagsasanay ay bahagi sa pinagtulungang programa ng Pandan Municipal Disaster Risk Reduction Office katuwang ang Pandan PNP. Ito ay may layuning patuloy na madagdagan ng angkop na kaalaman at kasanayan ang mga Barangay Tanod bilang katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Kabilang sa tinalakay ang Basic Law Enforcement Training na pinangunahan ng Pandan MPS, samantala pinangunahan naman ng mga tauhan ng Pandan MDRRMO ang Disaster at Fire Prevention Preparedness Training. Habang ang Basic Self-Defense Techniques naman ay itinuro ng mga kasapi ng World Black Belter katuwang ang CAFGU Narral.

Dumalo sa naturang pagsasanay ang mga Barangay Tanod at Barangay Officials mula sa dalawang barangay ng Guia at Jinalinan, na parehong sakop sa bayan ng Pandan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe