Wednesday, February 5, 2025

HomeNewsMga armas ng teroristang grupong NPA, narekober ng mga sundalo sa Southern...

Mga armas ng teroristang grupong NPA, narekober ng mga sundalo sa Southern Leyte

Dahil sa mga hakbang at operasyon ng mga awtoridad upang ma-dismantle ang mga makakaliwang grupo, narekober ng 14th Infantry “Avenger” Battalion ng Philippine Army ang isang M16 rifle, isang magazine, at iba pang subersibong materyales. Nakuha ang mga ito sa kagubatan ng Brgy. Buak Dako Sugod, Southern Leyte noong umaga ng Pebrero 2, 2025.

Ang matagumpay na pagkakarekober at pagkakadiskubre ng mga armas ay bunga ng patuloy na koordinasyon ng militar sa mga dating miyembro ng Island Committee LEVOX na nasa lugar. Patuloy din ang paghina ng presensya ng NPA sa mga isla ng Leyte dahil sa mga hakbang ng 802nd Infantry Brigade ng 8th Infantry Division.

Pinuri ni Brigadier General Noel A. Vistuir, Commander ng 802nd Infantry Brigade, ang mga tropa ng gobyerno, mga dating miyembro ng NPA, at mga Local Government Units (LGUs) na nakikipagtulungan upang matiyak ang kapayapaan sa rehiyon. Nagpasalamat din siya sa mga dating miyembro ng IC LEVOX sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon na nagresulta sa tagumpay ng operasyon.

“Ang pagkakarekober ng mga war materials na ito ay isang patunay ng dedikasyon ng mga dating miyembro ng IC LEVOX sa pagtulong sa gobyerno na makamit ang kapayapaan, sa pamamagitan ng pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad ng ating mga tao at paghihiwalay sa mga natirang NPA sa ating mga komunidad. Ang aming layunin na magdala ng pangmatagalang kapayapaan sa rehiyon ay lubos na nakadepende sa patuloy na kooperasyon at pagtutulungan ng mga dating rebelde. Sila ang mahalagang bahagi sa pagtulong sa amin na hikayatin ang kanilang mga dating kasamahan na sumanib sa mainstream ng ating lipunan, dahil sila ang may higit na kaalaman sa mga pisikal at human na aspeto ng mga lugar na dati nilang pinagtataguan. Ang mga pamilya ng ating mga Friends Rescued (FRs) ay nagpapakita rin ng kanilang komitment upang suportahan ang ating layunin na wakasan ang lokal na komunista na armadong labanan sa kanilang mga komunidad. Ang paghikayat ng kanilang mga mahal sa buhay na makipagtulungan sa gobyerno ay isang malinaw na pagpapakita ng tiwala at kumpiyansa sa ating FReE Families program,” ayon kay Brig. Gen. Vestuir.

Panulat ni Cami
https://www.facebook.com/share/p/1BZW1abmiW/

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe