Negros Occidental– Tinatayang nasa sampung (10) improvised landmines kabilang ang walong (8) Anti-personnel mines at dalawang (2) Anti-tank mines, at nasa 1,932 na bala ng 30 Caliber ang natagpuan ng mga awtoridad ng 94th Infantry (Mandirigma) Battalion sa nakatagong bahagi sa Sitio Double Yarding, Brgy Mahalang sa Himamaylan City, Negros Occidental nitong Setyembre 22, 2022.
Natagpuan ang naturang mga armas sa pamamagitan ng isang formel rebel mula sa Barangay Mahalang, kung saan nagbigay ito ng impormasyon kaugnay sa kinaroroonan ng nabanggit na mga armas na ginamit ng mga rebelde mula sa Central Negros 2 Front ng Komiteng Rehiyon-Negros.
Pinuri naman ni Brigadier General Inocencio Pasaporte, Brigade Commander, ang mga awtoridad sa matagumpay na pagkarekober ng naturang mga kagamitan habang tiniyak naman nitong hindi sila titigil sa pagkakaroon ng parehong mga operasyon upang tuluyan ng malipon ang mga rebeldeng komunista sa probinsya.
Aniya, “Your Army in Negros is sincere in promoting lasting peace and developmental efforts in ending the insurgency in Negros Island. The discovery of the arms cache containing war materials only confirms that the communist insurgents are continuously losing the support and sympathy from the civilian populace in Negros Island.”
Dagdag pa niya, ang pagkarekober sa nasabing mga kagamitan ay isang buhay na patunay na tuluyan na ngang humina ang armadong pakikibaka sa lungsod at pati na rin sa buong Negros Occidental.