Monday, December 16, 2024

HomePoliticsGovernment UpdatesMga armas na nakuha mula sa mga dating rebelde, sinira ng mga...

Mga armas na nakuha mula sa mga dating rebelde, sinira ng mga sundalo sa Eastern Visayas

Catbalogan City, Samar – Winasak at sinira ng Philippine Army 8th Infantry Division (8ID) ang 65 na mga armas na nabawi at isinuko ng mga New People’s Army (NPA) sa Eastern Visayas, nito lamang Sabado, Agosto 20, 2022.

Sa 65 armas na nabawi mula noong Nobyembre 2019, 45 dito ay M16 rifles, isang M4 carbine assault rifle, 5 AK47 rifles, 8 homemade revolvers, at 6 iba pang uri ng baril.

Pinamunuan ni Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, ang seremonya ng demilitarization sa Camp General Vicente Lukban.

Nasaksihan nina Lieutenant General Robert Dauz ng Visayas Command, 8th ID Commander, Major General Edgardo de Leon, Samar Governor Sharee Ann Tan, at DILG 8 Director, Atty. Arnaldo Escober Jr ang isinagawang pagsira sa mga armas.

Sinira  ang mga armas sa pamamagitan ng pagputol nito sa maliliit na piraso gamit ang isang metal bond circular.

“Itong mga narekober na mga baril is a manifestation of 8ID’s accomplishments. I hope they continue the gains that they have to totally end insurgency in whole Eastern Visayas,” sabi ni Bacarro sa isang interview.

Tiniyak naman ni De Leon ang mamamayan ng Eastern Visayas na magsisikap ng husto ang Philippine Army para sa kanilang kapakanan at benepisyo sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno upang mapanatili at maitaguyod ang kapayapaan sa rehiyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe