Monday, December 16, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsMga anak ng dating rebelde, nakatanggap ng tulong-pinansyal

Mga anak ng dating rebelde, nakatanggap ng tulong-pinansyal

Calbayog City- Nakatanggap ng tulong pinansyal bilang ayuda eskwela ang mga anak ng isang dating rebelde mula sa mga kapulisan ng 1st Samar Provincial Mobile Force Company sa Calbayog City, Samar nito lamang ika-21 ng Agosto 2022.

Matatandaang sumuko sa mga awtoridad ang kanilang ama nito lamang taon.

Ang nasabing tulong ay ibinahagi ng mga kapulisan upang masuportahan ang mga gastusin sa pag-aaral ng nasabing mga kabataan kasama na ang kanilang mga gamit sa paaralan at uniporme.

Alinsunod din ito sa programa ng pamahalaan upang tuluyan ng wakasan ang insurhensiya sa bansa sa ilalim ng Executive Order No. 70 o Whole-of-Nation Approach na may layuning makamit ang pangmatagalang kapayapaan tungo sa progreso at kaunlaran.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe