Thursday, January 23, 2025

HomeNewsMenor de edad mula Aklan na minaltrato, narescue ng mga awtoridad; suspek,...

Menor de edad mula Aklan na minaltrato, narescue ng mga awtoridad; suspek, dating pulis

Tagumpay na narescue ang isang menor de edad mula sa Aklan na biktima umano ng pagmamaltrato, matapos magsanib-pwersa ang LGU Kalibo at LGU Valenzuela at ng iba pang mga kinatawan ng awtoridad sa Valenzuela City nito lamang February 20, 2024.

Ayon sa mga awtoridad, nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang na minamaltrato umano ito ng isang dating pulis at ng pamilya nito sa loob ng anim na taon. Dumulog ang mga magulang ng biktima sa DSWD Kalibo at sa kanilang lokal na pamahalaan upang humingi ng tulong para ligtas na makauwi ang kanilang anak.

Agad namang nag-aksyon ang LGU Kalibo sa pangunguna ng kanilang Mayor na si Hon. Juris Bautista Sucro, na personal na pumunta sa Valenzuela City, upang makipagtulungan sa LGU Valenzuela para marescue at ligtas na maiuwi ang biktima.

Napag-alamang sumama ang biktima sa suspek matapos itong mag-alok na pag-aralin ang menor de edad sa Valenzuela City, kapalit ng kabutihang asal ng tatay nito nang isinauli ang kanyang nawawalang wallet noong magbakasyon ito sa Aklan taong 2018.  

Di lubos akalain ng biktima at ng mga magulang nito na kabaliktaran ang mangyayari sa kanya. Imbes na pag-aralin, inalila umano at pisikal na sinasaktan at minamaltrato ng suspek at ng pamilya nito ang batang biktima.

Samantala, kasalukuyang iniimbestigahan ng kapulisan ang suspek na napag-alaman na tuluyan ng nadismiss sa pagiging aktibong pulis noon pang 2023. Hinikayat naman ng mga awtoridad ang publiko na agad na makipagtulungan sa kanila sakaling mayroong ganitong krimen upang agad na mabigyang solusyon at higit sa lahat maiwasan ang parehong mga pangyayari.  

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe