Monday, January 27, 2025

HomeNewsMayor Rama nais ang mabilis na pagtugon ng pulisya sa mga krimen...

Mayor Rama nais ang mabilis na pagtugon ng pulisya sa mga krimen sa Cebu City

Ayon kay Colonel Ireneo Dalogdog, Hepe ng Cebu City Police Office (CCPO), mayroong 30 na insidente ng pamamaril sa unang limang buwan at 23 araw ng taong ito, na higit pa sa kabuuang 16 para sa 2022.

Inihayag ni Rama sa isang press conference sa City Hall noong Martes, Mayo 23, 2023, na ipatutupad niya ang Oplan Run After Perpetrator (ORAP), na nag-uutos na makarating ang pulisya sa pinangyarihan ng krimen sa loob ng limang minuto.

“Hindi lang tayo dadaan, dapat seryosohin natin. Sino itong mga perpetrators? We have identified the personalities that is why we focus so that we can assure the people in Cebu City that the peace and order situation will not be affected at all,” ani Dalogdog sa isang press conference.

Nais ni Rama na panatilihing mapayapa at maayos ang lungsod upang makamit ang kanyang layunin na gawing katulad ng Singapore ang lungsod.

Ipinahayag ni Dalogdog na dahil nagpatupad sila ng central beat system kung saan itinatag nila ang visibility patrolling sa mga lansangan, posibleng makarating sa pinangyarihan ng krimen sa loob ng inilaang limang minuto.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe