Saturday, October 5, 2024

HomeNewsMayor Rama, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni NegOr Gov. Roel Degamo

Mayor Rama, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni NegOr Gov. Roel Degamo

Nagpaabot na ng pakikiramay ang butihing Alkalde ng Cebu City, Hon. Michael Rama sa naulilang pamilya ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na brutal na pinaslang sa kanyang tirahan noong Marso 4, 2023.

Sa isang post sa social media ng Public Information Office ng Lungsod noong Linggo, Marso 12, nakausap ni Rama ang asawa ng yumaong gobernador na si Janice Degamo, na alkalde rin ng bayan ng Pamplona sa Negros Oriental.

Ikinuwento ni Rama kay Janice kung paano sila naging magkatrabaho ni Roel sa Philippine Councilors League (PCL) noong early 2000s.

Sinabi ni Janice na naging konsehal muna si Roel bago naging miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at tuluyang naabot sa posisyon ng gobernador.

Si Rama, na kasalukuyang pangulo ng League of Cities of the Philippines, ay nagsilbi rin bilang pambansang pangulo ng PCL mula 1998 hanggang 2001.

Ibinunyag ni Janice na sina Roel at ang mga Degamo ay nagmula sa bayan ng Cordova sa Mactan Island.

Ang pagpatay sa gobernador ay nag-iwan ng walong sibilyan na namatay habang 17 ang nasugatan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe