Tuesday, December 24, 2024

HomeNational NewsMatataas na opisyal ng NPA, kabilang sa mga napatay matapos ang engkwentro...

Matataas na opisyal ng NPA, kabilang sa mga napatay matapos ang engkwentro sa Northern Samar

Kinumpirma ng Joint Task Force Storm at ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na matataas na opisyal ng Communist Terrorist Group (CTG) ang 6 na napatay ng Militar sa naging engkwentro nila sa Brgy. Imelda, Las Navas, Northern Samar noong Nobyembre 23.

Ayon kay Army Capt. Ryan Layug, tagapagsalita ng Joint Task Force Storm at 8th Infantry Division, kabilang sa mga nasawi ay sina Helenita Pardales alyas Elay o Selin gayundin ang iba pa na nakilala lamang sa mga alyas na Biboy o Orlan, Mamoy, Caridad, Joshua at Boy na positibong kinilala ng kanilang dating kasamahan.

Matapos aniya ang engkwentro, agad inilipad gamit ang airlift ng Philippine Air Force (PAF) ang labi ng mga nasawing pinuno ng mga terorista at isinailalim sa kaukulang proseso bago tuluyang inilibing noong Nobyembre 26 makaraang walang kaanak ng mga ito ang kumuha sa mga nabanggit na bangkay.

Inihayag naman ni Joint Task Force Storm at 8th ID Commander, Major General Camilo Ligayo na kahit mga kalaban ng estado ang nasawi ay binigyan pa rin sila ng isang disenteng libing bilang paggalang subalit mas mainam sana kung sumuko na lamang ang mga ito upang makapamuhay sa isang malaya at sibilisadong lipunan.

Ang grupo ng mga napatay na opisyal ng Teroristang Komunista ang nasa likod ng pag-atake sa Lapinig Police Station sa Northern Samar na ikinasugat ng dalawang pulis noong Agosto 2018 gayundin ang pag-atake sa iba’t iba pang himpilan ng pulisya na ikinasawi ng dalawang pulis at ikinasugat ng dalawang iba pa kabilang na ang isang 10 taong gulang na sibiliyan noong Oktubre 7.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe