Sunday, July 7, 2024

HomeNational NewsMatataas na kalibre ng armas, nasamsam ng tropa ng pamahalaan sa isang...

Matataas na kalibre ng armas, nasamsam ng tropa ng pamahalaan sa isang enkwentro sa Calbayog City sa Samar

Dalawang matataas na kalibre ng baril ang nasamsam ng tropa ng 43rd Infantry We Search Battalion sa ilalim ng 8th Infantry Stormtroopers Division – Philippine Army sa isang engkwentro na naganap sa Brgy. Cagmanipis at Cangomaod, Tinambacan District, Calbayog City nitong Miyerkules, Pebrero 1, 2023..

Tinatayang nasa humigit- kumulang 20 miyembro ng Communist NPA Terrorists (CNTs) na kasapi ng Front Committee 2, Sub-Regional Guerilla Unit, Sub-Regional Committee Emporium ng Eastern Visayas Regional Party Committee ang nakasagupa ng tropa ng 43IB.

Sa pagresponde ng 43rd Infantry Battalion na nauwi sa engkwentro at pagtakas ng mga NPA, naiwan nila sa encouter site ang isang M16A1 rifle, isang M653 rifle, dalawang improvised hand granade, dalawang Anti-Personnel Mines detonator switch, magazines, mga bala at iba pang personal na kagamitan at mga pagkain na nakolekta mula sa masa.

Batay sa rebelasyon ng isang dating rebelde na sumuko sa 43rd IB, nanatili sa nasabing lugar ang naturang pwersa ng teroristang grupo dahil sa maraming produksyon ng niyog dahilan upang kikilan ang mga maliliit na magsasaka upang tugunan ang kanilang mahirap na kalagayan.

Ayon naman kay 43rd IB Battalion Commander Lieutenant Col. Manuel Degay, dahil sa bakas ng dugo at mga kagamitang iniwan ng mga rebelde sa naturang lugar ay hindi umano maikakaila na maraming sugatang NPA sa naturang bakbakan.

Nanawagan naman si Col. Degay sa mga natitirang miyembro ng nasabing grupo na sumuko na at bigyang daan ang kapayapaan sa lalawigan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe