Friday, November 15, 2024

HomeNewsMatataas na kalibre ng armas at anti-personnel mine, narekober sa Eastern Samar

Matataas na kalibre ng armas at anti-personnel mine, narekober sa Eastern Samar

Nasamsam ng mga awtoridad ang ilang mga nakabaon na armas ng komunistang grupo sa bulubundukinng bahagi ng Barangay Buco, Can-avid, Eastern Samar noong Hulyo 15, 2023.

Ito’y makaraan ang ginawang pagsisiwalat ng mga dating miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na sumuko kamakailan sa pwersa ng 42nd Infantry “Tagapagtanggol” Battalion – Philippine Army.

Batay sa opisyal na ulat nitong Biyernes, Hulyo 21, 2023, limang M14 rifles, apat na M16 rifles, shot gun, at M79 Grenade Launcher ang narekober ng militar sa naturang lugar kasama na dito ang anti-personnel mine (APM) na mahigpit na ipinagbabawal ng International Humanitarian Law.

Pinasalamatan naman ni Lieutenant Colonel Rodito Gotladera, Commanding Officer ng 42nd Infantry Battalion ang naging pasya ng mga dating rebelde na makipagtulungan sa pamahalaan na naging daan upang matunton ang mga nasabing armas.

Tiniyak naman ni Gotladera na patuloy silang kikilos upang makubkob pa ang ilang pinagtataguan ng mga armas upang matapos na ang pakikibaka ng rebeldeng grupo.

“We will be stepping up our military and non-military operations to track down the location of CNTs’ loose firearms and prevent their recovery efforts here in Eastern Samar. Today’s recovery significantly blows the capacity of communist rebels on their nefarious acts,” pahayag ni Gotladera.

Pinapurihan naman ni Major General Camilo Z. Ligayo, Commander ng 8th Infantry Division ang matagumpay na hakbang ng 42nd IB at sinabing malaking tulong aniya ito sa kampanya ng pamahalaan sa dekadang insurhensiya sa lalawigan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe