Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsMataas na lider ng NPA sa Mindanao arestado sa Iloilo

Mataas na lider ng NPA sa Mindanao arestado sa Iloilo

Iloilo City – Arestado ang isang mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao sa isinagawang manhunt operation sa Barotac Viejo, Iloilo nito lamang Miyerkules, Setyembre 14, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Leo Lacumbo, 49, residente ng Tulunan, North Cotabato.

Naaresto din kasama ng suspek ang kanyang pamangkin na si Jeffrey Alemania, 33-year-old.

Si Lacumbo ay isang high-value individual, na isang NPA regional operational commanding officer at first secretary ng Southern Mindanao of the Communist Party of the Philippines.

Naging No. 1 Most Wanted Person din ito sa Davao de Oro.

Nahaharap siya sa kasong attempted murder at may warrant of arrest na inisyu ni Judge Carmel Gil Grado ng Regional Trial Court (RTC) Branch 56 sa Compostela, Davao de Oro.

Pinuri naman ni Police Col. Adrian Acollador, Provincial Director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa matagumpay na pagka-aresto kay Lacumbo.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe