Tuesday, December 24, 2024

HomeEntertainmentCultureMassKara Festival, kabilang sa Busan International Dance Festival 2023

MassKara Festival, kabilang sa Busan International Dance Festival 2023

Isa ang MassKara Festival sa mga listahan ng mga mananayaw na kasali sa Busan International Dance Festival 2023 na gaganapin sa Cinema Mountain Theater sa Busan, South Korea ngayong araw, June 2, 2023 hanggang June 4, 2023.

Ang nasabing mga MassKara Festival dancers ay mula sa Barangay Sum-ag MassKara Dancers sa Bacolod City.

Kabilang din sa mga naanyayahan ng South Korean Government na maging kalahok sa nasabing International Dance Festival ang mga mananayaw mula sa mga bansang Canada, Kazakhstan, Argentina, at Taiwan.

Bumisita naman ang grupo sa Sinjin Elementary School para sa dance workshop kung saan itinuro ng grupo ang mga basic execution at dance steps ng MassKara Festival sa pangunguna ng choreographer nito na si Segundo Jesus “Panoy” Cabalcarang.

Ang Barangay Sum-ag ang pangalawang barangay mula sa Bacolod City na magtatanghal sa labas ng bansa kasunod ng Barangay Granada na kasalukuyan ay nasa  New York, kasama si Mayor Albee Benitez para sa Philippine Independence Day celebration ng mga Filipino Communities sa Estados Unidos.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe