Nitong ika-11 ng Pebrero 2024, idinaos ng Police Regional Office (PRO) 6 ang isang espesyal na okasyon sa pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaisa sa pamamagitan ng isang Mass Wedding Ceremony na ginanap sa Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel sa Camp Martin Teofilo B Delgado, Fort San Pedro, Iloilo City.
Sa nasabing seremonya, kabuuang 18 na mga pares na kapulisan ng PRO-6 ang nagbahagi ng kanilang mga pangako at pangarap sa harap ng Panginoon kasama ng kanilang mga pamilya, mga kaibigan, at mga kapwa
Sa pamamagitan ng ganitong mga okasyon, ang PRO 6 ay patuloy na nagpapakita ng kanilang suporta at pag-aalaga sa kanilang mga tauhan, hindi lamang bilang mga law enforcers kundi bilang mga indibidwal na may puso at damdamin.
Ipinapakita rin nito na ang PNP ay hindi lamang isang ahensya kundi isang pamilya.
Ang hangarin na ito ng kapulisan patungkol sa naturang aktibidad ay naaayon sa mga programang isinusulong ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na panatilihing maayos, matiwasay at may takot sa Diyos ang ating lipunan.
Source: PCADG Western Visayas