Inilarawan ng kapulisan sa lungsod ng Cebu na mapayapa ang isinagawang martsa-protesta ng mga progresibong grupo, sa pangunguna ng Bayan Central Visayas, ilang oras bago ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 28, 2025.
Nagsimula ang protesta sa Fuente Osmeña rotunda at nagtuloy patungo sa downtown area ng lungsod. Bago tuluyang nagtungo sa Colon, dumaan muna ang mga raliyista sa harap ng kampo ng Police Regional Office 7 upang magsagawa ng isang maikling programa.
Sa ulat ng kapulisan, tumagal ng ilang oras ang aktibidad subalit nanatiling mapayapa mula simula hanggang matapos.

Matapos ang programa, maayos na umalis ang mga grupo sa Colon Street nang walang naitalang aberya o kaguluhan.
Source: AYB/Sunstar Cebu
