Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsMangrove Planting, isinagawa ng 33 pares na ikakasal sa Negros Occidental

Mangrove Planting, isinagawa ng 33 pares na ikakasal sa Negros Occidental

Nagsagawa ng mangrove planting ang nasa 33 pares na nakatakdang ikasal sa araw ng mga puso sa bayan ng E.B. Magalona sa Negros Occidental nitong Lunes.

Bahagi ang naturang tree planting activity sa programa ng lokal na pamahalaan ng nasabing bayan katuwang ang Local Civil Registrar’s Office at ng Municipal Environment and Natural Resources Office, na may layuning patuloy na mapangalagaan ang kapaligiran sa tulong ng lahat ng mga residente kabilang na ang mga may balak magpakasal.

Ayon kay E.B. Magalona Mayor Marvin Malacon, nagpasalamat sila sa lahat ng mga nakiisa, at kasabay ng kanilang pangakong habangbuhay na pagsasama, ang mga couple ay nangako ring magiging responsableng mamamayan na tutulong na mangalaga sa ating kapaligiran.

Nakapagtanim ang grupo ng nasa 200 mangrove seedlings sa Tomontong Mangrove Eco-Trail na isa sa local conservation area na patuloy na inaalagaan at pinaganda ng lokal na pamahalaan.

Matatandaang pang pitong taon na itong mayroong mass wedding sa bayan kung saan itinampok din ang pangangalaga sa iba’t ibang mga coastal resources sa bayan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe