Friday, November 22, 2024

HomeMangingisda sa Norther Samar, nakakuha ng bagong Fishing Vessel

Mangingisda sa Norther Samar, nakakuha ng bagong Fishing Vessel

Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office 8 ay nag-turnover ng Php39 million purse seine fishing vessel sa mga miyembro ng Northern Samar Pacific Towns Fishermen’s Cooperative (NSPTFC).

Ginawad ng fisheries bureau ang barko noong Miyerkules, Abril 5 sa pamamagitan ng Capacitating Municipal Fisherfolk Program nito na idinisenyo upang itaas ang kakayahan ng mga lokal na mangingisda na mag-ambag sa taunang produksyon ng tuna ng bansa.

Ang mga miyembro ng NSPTFC ay mga mangingisda mula sa mga baybaying bayan ng Mapanas, Palapag, Lapinig, Laoang, at Gamay.

Ang mga bayan na malapit sa Pasipiko at ilang lugar sa Eastern Samar ay nasa loob ng Tuna Conservation Management Zone (TCMZ), na mayaman sa tuna species.

Sinabi ni BFAR Eastern Visayas Regional Director Hannibal Chavez, na hindi mapakinabangan ng mga lokal na mangingisda ang kanilang pang-araw-araw na nahuhuli dahil sa limitadong kapasidad ng kanilang maliliit na bangkang pangisda at tradisyonal na kagamitan sa pangingisda.

Ang Northern Samar ay mayroong halos 1,000 na mangingisda ng tuna na umaasa sa tradisyonal na pamamaraan ng pangingisda upang makahuli ng tuna mula sa Karagatang Pasipiko, ayon kay Chavez.

“Sa pamamagitan ng programang ito, sinisigurado ng bureau ang hindi bababa sa 5.4 porsiyento o 180 hanggang 200 metrikong toneladang pagtaas sa produksyon ng tuna sa Northern Samar na mabibigyan ng makabagong steel-hulled purse fishing vessel na may kapasidad na mag-imbak ng hanggang sa 5,000-kilo ng isda na huli,” sabi ni Chavez sa isang pahayag.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe