Saturday, November 23, 2024

HomeNewsMambabatas ng Cebu, inilunsad ng kauna-unahang Cong. Edu Rama Softball Cup

Mambabatas ng Cebu, inilunsad ng kauna-unahang Cong. Edu Rama Softball Cup

Opisyal na inilunsad ni Cebu Congressman Eduardo “Edu” Rama Jr., na kilala sa kanyang pagmamahal sa sports, ang kanyang kauna-unahang “Cong. Edu Rama Softball Cup” noong Linggo, Mayo 7.

Ang unang sports cup ng mambabatas, sa pakikipagtulungan sa Converge ICT Solutions Inc., ay naglalayon na maging isang community-driven tournament na magsasama-sama ng mga mahilig sa softball sa South District ng Cebu City.

“Labis kaming nasasabik na ipahayag na ang aming kauna-unahang softball cup sa pakikipagtulungan sa Converge ay mangyayari ngayong buwan ng Mayo, na may walong koponan na nagpo-promote ng camaraderie, teamwork, at sportsmanship ngayong summer,”ani Congressman Rama.

Ang apat na linggong kaganapan ay magaganap sa lahat ng Linggo ng Mayo sa Labangon Elementary School Grounds.

“Kita nga mahiligon kaayo og paugnat sa kusog malaumon na ngayon na ang simula sa ating mas dako pa unya na laing sports cup alang sa mga Sugbuanon,” dagdag pa nito.

Kasama sa mga koponan na nag-aagawan sa trono upang maging kaunaunahang kampeon ng “Cong. Edu Softball Cup” ang Wirednook, Taters, Rebels, Bandits, Vikings-c10, JBR Mega Voltz, Shenica, at KA2 Apparel Asturias.

Ang bawat koponan ay binubuo ng 17 miyembro at tatlong coach sa mixed category.

Ang opisyal na paglulunsad ng torneo ay nagsimula sa isang motorcade kaninang umaga mula sa Cebu City Hall Grounds na dumadaan sa South Road Properties, Barangay Mambaling, F. Llamas Street kapwa sa Barangay Punta Princesa at Tisa hanggang sa dulo ng ruta sa Labangon Elementary School sa Barangay Labangon.

“Gawas nga masaya tayo na na-realize natin ang ating panaginip, salamat din po sa Converge sa ilahang pagsanong sa ating hangyo sa kanila na mo-partner halos una nato na softball cup,” pahayag ni Congressman Rama.

Si Logane Echavez, ang Sugbo Softball Association Head, ay nagpakilala sa lahat ng walong koponan sa pagbubukas ng programa habang si Pakil dela Cerna, ang Tournament Manager, ang nagbigay ng Oath of Sportsmanship para sa mga manlalaro.

Ang Converge ICT Solutions Inc., Regional General Manager – VisMin Michael Macquiran, ay nagpaabot din ng kanyang mensahe sa lahat ng mga manlalarong maglalaban-laban para sa kampeonato.

Bukod sa mga medalya at tropeo na matatanggap ng mananalong koponan, nakataya din ang P10,000 cash prize.

Ang Converge ICT Solutions Inc., kasama ang iba pang nangungunang sponsor, ay magbibigay din ng mga espesyal na premyo at raffle off item para sa mga manlalaro sa buong tagal ng paligsahan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe