Thursday, December 26, 2024

HomeNewsMahigit Php1M halaga ng Marijuana, sinunog sa Toledo City, Cebu

Mahigit Php1M halaga ng Marijuana, sinunog sa Toledo City, Cebu

Tinatayang nasa mahigit Php1 milyong halaga ng halamang marijuana ang sinunog ng mga awtoridad sa sa magkasunod na anti-illegal drug operation sa Toledo City, Cebu nitong lingo.

Sa serye ng anti-illegal drug operation ng Toledo CPO, nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang magsasaka at pagkakumpiska ng nasa mahigit 2, 600 na tangkay ng fully grown marijuana sa mga Sitio ng Kadoldolan, at New Bucao, Barangay Climaco, Toledo City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Johndel Binoya Sabroso, 62, at Nestor Caburnay Balaquinto, 36, kapwa kabilang sa drug watchlist ng nasabing lugar.

Ang nasabing mga marijuana ay agad na sinunog ng mga awtoridad sa lugar habang ang siyam na tangkay ay dinala sa PNP Regional Forensic Unit 7 para sa karagdagan pang pagsusuri.

Samantala, ang mga naaresto at iba pang mga nakalap na ebidensya ay dinala naman sa Toledo CPO para sa kaukulang disposisyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe