Friday, November 22, 2024

HomeNewsMahigit isang libong Security Personnel idedeploy para sa Masskara Festival

Mahigit isang libong Security Personnel idedeploy para sa Masskara Festival

Bacolod City– Tinatayang nasa 1,165 na mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at iba pang law enforcement agencies ang madedeploy para magbantay sa ika-43 na Masskara Festival, na magsisimula nitong Biyernes sa Bacolod City Government Center grounds.

Sa isinagawang send-off ceremony na ginanap sa Bacolod City Police Office (BCPO) headquarters nitong Huwebes ng hapon, pinangunahan ni Colonel Thomas Joseph Martir, City Director ng Bacolod City Police Office, ang pag-presenta sa mga tauhang naatasang magbantay sa naturang selebrasyon.

Dumalo sa naturang send-off ceremony ang Festival Director na si Ms. Pinky Mirano-Ocampo, kung saan sinundan naman ng blessing sa pangunguna ng iba’t ibang inter-faith leaders. 

“We will deploy the first batch of 300 personnel by October 1 for the first week, where there will be only sports activities”, saad pa ni Colonel Martir.

Bukod pa sa mga tauhan mula sa BCPO, magpapadala rin ang Police Regional Office-Western Visayas ng karagdagang mga tauhan para sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad ng nabanggit na selebrasyon hanggang Oktubre 23 nitong taon.

Kasama ng Pambansang Pulisya ang iba’t ibang mga tauhan mula sa ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, kabilang na rin ang mga Force Multipliers, at Disaster Response Units.

Pinuri naman ni Ms. Pinky Mirano-Ocampo, ang lahat ng mga tauhan na naatasang magbantay sa mga kaganapan sa nasabing taunang selebrasyon. Aniya, ang katagumpayan ng mga aktibidad ay nasa mga kamay ng iba’t ibang security forces na siyang magpapanatili ng kapayapaan sa buong lungsod habang ginaganap pa ang Masskara festival.

Kabilang sa mga gagamiting lugar sa Masskara Festival 2022 ang Government Center, Bacolod Public Plaza, Baywalk sa Reclamation Area, Megaworld’s The Upper East, Lacson Strip, SMX Convention Center, Paglaum Stadium, Panaad Park and Stadium, at ang University of St. La Salle Coliseum.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe