Tinatayang nasa mahigit 5,000 katao ang bumisita sa mga sementeryo sa Cebu City simula alas-5:00 ng umaga nitong Martes, Nobyembre 1, 2022.
Ayon kay Police Colonel Ireneo Dalogdog, direktor ng Cebu City Police Office, karamihan sa mga bumisita ay napansin sa Calamba Cemetery, kung saan nasa 2,000 ang mga tao nitong Martes ng tanghali.
Naniniwala si Police Colonel Dalogdog na mas dadagsa pa ang mga bibisita sa mga sementeryo nitong hapon ng Martes habang ipinagdiriwang ng bansa ang All Saints’ Day at All Souls’ Day.
May ilan namang naitala na nakumpiskang mga patalim katulad ng kutsilyo at iba pang mga ipinagbabawal na bagay na dalhin sa loob ng sementeryo, ngunit nilinaw ni Police Colonel Dalogdog na dinala ito ng mga tao para magamit sa paglilinis ng mga puntod ng kanilang mga kaanak at mahal sa buhay.
Sa ngayon, wala paring naitatalang insidenete ng krimen at napapanatili parin ng kapulisan ang kapayapaan at kaayusan ng publiko.