Mayroong 37 pamilya ang pansamantalang nanunuluyan sa Rizal Elementary School at 50 pamilya naman ang pansamantalang nakatira sa kanilang mga kamag-anak o sa labas ng evacuation center.
Ayon kay Teresa Gelogo, pinuno ng Iloilo City Social Welfare and Development Office (CSWDO) may 88 pamilyang binubuo ng higit 300 indibidwal ang apektado sa naganap na sunog nito lamang Sabado ika-17 ng Hunyo,2024 sa dalawang barangay sa Iloilo City Proper na Rizal Estanzuela at Tanza Bonifacio.
Dagdag pa ni Gelogo na nabigyan na ang mga biktima ng relief goods, hygiene kits, sleeping kits, at regular din silang binibigyan ng pagkain sa pamamagitan ng Uswag Community Kitchens.
Inaasahan daw nilang mananatili pa ang mga biktima sa evacuation centers sa loob ng pito hanggang 15 araw maliban na lamang kung makakahanap sila ng pansamantalang tirahan.
Patuloy ang pagtulong at pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Iloilo at komunidad sa mga kailangan ng mga biktima ng sunog sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap dulot ng sunog sa Rizal Estanzuela at Tanza Bonifacio.
Source: Radyo Pilipinas Iloilo
Panulat ni Justine