Tuesday, February 11, 2025

HomePoliticsGovernment UpdatesMahigit 2K residente na nawalan ng tirahan sa Canlaon City, napiling benepisyaryo...

Mahigit 2K residente na nawalan ng tirahan sa Canlaon City, napiling benepisyaryo ng TUPAD

Higit 2,000 residente na nawalan ng tirahan sa Canlaon City, Negros Oriental, ang napiling benepisyaryo ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng gobyerno.

Ayon kay Edna Lhou Masicampo, information officer-designate ng Canlaon City, ang mga internally displaced persons (IDPs) ay kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers o sa mga kamag-anak matapos ang pagsabog ng Mt. Kanlaon noong Disyembre 9.

“A total of 2,150 displaced individuals are eligible for TUPAD assistance. The first batch, consisting of 1,445 evacuees currently housed in evacuation centers, already attended an orientation last Tuesday,” ani Masicampo.

Dagdag pa niya, ang natitirang mga benepisyaryo—mga nailikas mula sa anim na kilometrong permanent danger zone at naninirahan sa mga kamag-anak—ay sasailalim din sa orientation sa lalong madaling panahon.

Ang TUPAD ay isang programa ng gobyerno na naglalayong magbigay ng pansamantalang hanapbuhay sa mga mahihirap at biktima ng kalamidad.

Sa ilalim ng programang ito, ang mga IDP ay magkakaroon ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 araw, kumikita ng PHP501 kada araw, at magsasagawa ng mga gawain tulad ng paglilinis ng evacuation centers at community gardening. Nakatakda silang magsimula sa trabaho sa Pebrero.

Upang maisakatuparan ang programa, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng Canlaon sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang matulungan ang mga evacuees na naapektuhan ng pagsabog ng bulkan.

As of Enero 29, may kabuuang 1,198 pamilya o 3,850 indibidwal ang nananatili sa walong evacuation centers, habang 899 pamilya o 2,884 indibidwal ang kasalukuyang nakikituloy sa kanilang mga kamag-anak sa labas ng danger zone.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe