Thursday, January 23, 2025

HomeRebel NewsMahigit 150 rebeldeng NPA, na-neutralize sa sagupaan ng militar mula noong Enero...

Mahigit 150 rebeldeng NPA, na-neutralize sa sagupaan ng militar mula noong Enero 1

Inihayag ng Visayas Command (Viscom) ng Armed Forces of the Philippines na 156 na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize sa mga naging sagupaan ng military sa pagitan ng Enero 1, 2023 at Hunyo 30, 2023.

Nasamsam din ng militar ang 223 baril at 82 anti-personnel mine sa parehong panahon.

Kabilang sa mga na-neutralize ang 12 high-value na indibidwal, na ang isa ay kinilalang si Rogelio Posadas, ang kilalang kalihim ng Negros, Cebu, Bohol, Siquijor Regional Committee.

Napatay si Posadas sa engkwentro noong Abril 20 sa Binalbagan, Negros Occidental.

“Nais kong batiin ang lahat para sa isang napakahusay na trabaho para sa unang semestre ng 2023. Ang pambihirang pagganap na ipinakita ninyo ay nagpapakita ng inyong matinding pagnanais at motibasyon na paglingkuran at protektahan ang ating mga tao at wakasan ang lokal na komunistang armadong labanan sa bahaging ito ng bansa,” ayon kay Army Lieutenant General Benedict Arevalo, Viscom Commander.

Sinabi ni Arevalo na 942 sibilyan na organisasyon na nakikipagtulungan sa programang pangkomunidad ng militar ang nalikha.

Aniya, malaki ang maitutulong nila sa paghahanda ng Viscom para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.

“Ang suporta ng ating mga tao ay mahalaga sa ating kampanya upang wakasan ang paghahari ng terorismo sa rehiyon. Habang pinapanatili natin ang ating mga nakatutok na operasyong militar para pigilan ang CPP (Communist Party of the Philippines)-NPA na samantalahin ang nalalapit na Barangay at SK Elections, ipagpatuloy din natin ang pakikisangkot sa ating mga mamamayan. Liwanagan natin sila sa mga kasamaang dala ng CPP-NPA. Hikayatin natin silang bumoto sa isang taong nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran, na pinahahalagahan ang mga mithiin ng pamilya, at isang taong maaaring humantong sa kanila sa kaunlaran at pag-unlad. Hindi yung naghahasik ng lagim at karahasan at sumusuporta sa maling ideolohiya ng CPP-NPA,” aniya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe