Monday, January 6, 2025

HomeNewsMahigit 14K na mangingisda, tatanggap ng Php42M Fuel Subsidy sa Eastern Visayas

Mahigit 14K na mangingisda, tatanggap ng Php42M Fuel Subsidy sa Eastern Visayas

Sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, magbibigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Php42.48 milyon na fuel subsidy sa hindi bababa sa 14,162 na mangingisda sa mga rehiyon sa Eastern Visayas ngayong taon.

Nitong Lunes, sinabi ni Christine Gresola, Information Officer ng BFAR Regional Office, na mas mataas ang bilang ng mga tumatanggap sa ilalim ng second tranche ng fuel subsidy program kaysa sa 5,729 na mangingisda na nakatanggap ng cash aid noong nakaraang taon.

Bawat benepisyaryo ay makakakuha ng fuel subsidy card na nagkakahalaga ng Php3,000. Ito ay para magamit sa mga kasosyo at kinikilalang istasyon ng gasolina sa loob ng rehiyon.

“This is to cushion the impact of the ongoing economic challenge causing continuous spike on fuel price, affecting the fishing routine of our fisherfolk and disturbing the price trend of selected fishery commodities,” ani Gresola.

Hinimok ng Bureau of Fisheries ang mga mangingisda na hindi nakatanggap ng subsidy noong nakaraang taon na bumisita sa kani-kanilang Municipal Agriculture Office para tingnan kung nakarehistro sila sa Boat Registry System ng ahensya at Registry System for the Basic Sectors in Agriculture.

Mula noong nakaraang taon, namimigay na ang BFAR ng mga card para paghandaan ang pamamahagi ng ikalawang bahagi ng fuel subsidies ngayong taon.

Ang fuel subsidy program sa Eastern Visayas ay naglalayong palawigin ang paggamit ng mga makinarya at pasilidad ng agri-fishery at palakasin ang katatagan ng mga benepisyaryo ng mangingisda.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe